Miyerkules, Enero 16, 2013

Tula Ni: Althea Therese Radovan


PAMILYA

    Pamilya nagdadamaya’t nagtutulungan
panghabang buhay ka nilang hindi iiwan
pag-ibig ay madarama ng bawat isa
pagmamahal ay nandirito nagmumula

Away ay madaling nabibigyang patawad
kabutihan nang bawat isa ang siyang hangad
araw-araw masasayang magkakasama
ang bawat isa ay totoong mahalaga

May ama na siyang kumakayod araw-araw

may ina na sa lahat ay nagsilbing ilaw
mga magulang ang tinatawag sa kanila
mga bata’y sila ang mga tinitingala

Iniintindi ang bawat pagkakamali

iaalay buong suporta sa kasapi
iaayos mga problema ng bawat isa
 walang iwanan hanggang sa magpakailan pa

Lokohang walang katumbas ang kagalakan

lambingang di mapapantayan nang sinuman
lumipas man ang panahon pagmamahala’y
        di kailanman magkakaroon ng kapantay
 


    Yakap ng bawat isa ay laging madarama

        kahit saan pa man sa mundo sila mapunta
yaong pagmamahalan ay di mapapalitan
       mga turo ng ama’t ina’y laging dala-dala

Ang pagmamahalan at pagsusuporta’y iba

aasahan sa bawat pagdating nang problema
aanhin ko pa nga ba ang mga kayamanan
      kung ang aking pamilya ay laging nandidiyan

Tula Ni: Althea Therese Radovan


PAARALAN

Silid na may apat na mga sulok
Kayraming mga taong pumapasok
Walang araw na walang pagsubok
Walang estudyanteng di antok

Lugar kung saan ako ay natuto
Minatyagang mabuti nang mga guro
Lubos-lubusan akong nahirapan
Ngunit lubos din ang aking natutunan

Ito ang aking paaralan
Kay dami ko ditong nalaman
Samu’t saring mga kaganapan
Punong-puno ng kasiyahan

Dito’y nakita anyo ng mundo
Ako ay hinubog mo nang husto
Patawad sa mga kasalanan ko
Nais kong magpasalamat sayo

Nais kong magpasalama’t sa lahat lahat
Natutunang gawin mga bagay na mabibigat
Nakapagsimulang tumayo ng mag-isa
Nalaman na ako ay hindi nag-iisa

Marami-rami  akong nakasalamuha
Nagkaroon ng iba’t ibang alaala
Maraming salamat mahal kong paaralan
Nagmumula kay: Althea Therese R
adovan

Tula Ni:Edbhert

TULA Ni:Edbhert.
Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

Ang aking Guro,Aking Bayani Ni:Russel S. Mapilar


Ang Aking Guro, Aking Bayani!

Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Papasok na sa eskwela

Simula pagkabata hanggang sa pagtanda
Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
Nariyan para gumabay at mag-aruga,
Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.

Sa aking paglaki…
Di iniisip mga pagkakamali,
Ngunit ngiti lamang syang sinukli,
At mga payong sa lungkot ay humahawi.

Kayo ay laging kaalalay,
Nagbibigay kulay sa aking buhay,
Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay
Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.

Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo
Mga minamahal at ginigiliw na guro ko
Walang pag-aalinlangang ipapakita ko
Ikaw aking guro bayani ng buhay ko!

Ni:Russel S. Mapilar

Martes, Enero 15, 2013

"Chocolate Hills"

"Chocolate Hills"

Ang Chocolate Hills ay ang pinaka sikat na bohol.Kung titignan 
ang burol para itong isang malahiganteng nunal na burol, o mga iginuguhit 
ng mga bata sa kanilang papel.
Karamihan sa tumitingin ng pa landscape sa Chocolate Hills ay sinasabi na hindi tao ang 
gumawa nito kundi isang artepakto.
Ang Chocolate Hills ay binubuo ng hindi sa mas mababa sa 1268 na burol.
Ang mga ito ay nasa pagitan ng 30 o 50 ang taas.
Ang Chocolate Hills ay punong puno ng mga damo.



"Hagdan-Hagdang Palayan"


Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay makikita  ito sa mga lalawigan ng Apayao, Benguet, at ifugao.
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay 2000 taong nililok ng mga ninuno ng 
mga mamamayang batad sa mga bulubundukin ng Ifugao.
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "ikawalong
kahanga hangang pook sa mundo".
Ang hagdan-hagdang palayan ay tinatawag na payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay binansagang World Heritage Site ng UNESCO
tinatawag na  (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization).
"Hundred Islands"
Ang Hundred Islands ay matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan. Ang Hundred Islands ay dinarayo ng mga turista dahil sa mga magagandang tanawin nito.Ang mga tao ay naniniwala na ang Hundred Islands ay 2 milliong taon na.Maraming mga corals 
ang Hundred Islands at mga isdang namumuhay sa dagat nito.Ang tubig sa Hundred Islands ay malinaw na malinaw.

Boracay Beach

"Boracay Beach"
Ang Boracay beach ay isa sa mga palaging pinupuntahan ng mga turista dahil sa magandang tanawin maputing buhangin at mga magagandang alon ng dagat.
Ang Boracay Beach ay matatagpuan sa Aklan,sa pilipinas
Ang Boracay Beach ay isang maliit na isla sa Pilipinas na matatagpuan sa humigit-kumulang 315 km timog ng Maynila at 2 km sa hilagang-kanluran na dulo ng Panay Island sa Western Visayas rehiyon ng Pilipinas.
ayon sa survey ang Boracay Beach ang pinakamagandang isla sa buong mundo ang Boracay Beach ay may mga natalo ng sikat na isla sa mga iba pang bansa.Kasama ang Bali sa indonesia, Greef Barrier Reef Island ng Australia, Big Island ng Hawaii at ang Sicily ng Italy.

Lunes, Enero 14, 2013

Bulkang Mayon


"Bulkang mayon"

Ang bulkang mayon ay matatagpuan sa lalawigan ng Albay. Ang Bulkang Mayon ay isang  aktibong bulkang . Ang Bulkang Mayon ay inihahambing sa  Bundok Fuji ng bansang Hapon.Dahil ang Bulkang Mayon at ang Fuji ay parehong pareho perpekto ang hugis nito. 
Ayon sa mga volcanolohigo, ang Mulkang Mayon ay stratovolcano o kompositong bulkan. Ang Bulkang Mayon ay 50 beses ng sumabog sa nakaraang 400 taon. Ang Bulkang mayon ay ang pinaka itinuturing na aktibong bulkan sa bansa .
Ang Bulkang Mayon ay ung beses sumabog ay ang taong 1616 at ang pinakahuling pag sabog nito ay noong june 2001.Ang pinakamalakas na pagsabog ng Bulkang Mayon ay noong Pebrero 1, 1814.Ang bayan ng  Cagsawa ay natabunan ng lava at halos 1200 ang namatay. Ang simbahan ng bayan o tinatawag na "Bell Tower" lamang ang makikita sa ibabao ng lupa.Ang Pyroclastic flows, ay ang mainit na abo na nakapatay sa 77 katao at halos puro magsasaka ang namatay sa napakalakas na pagsabog noong 1894.


                      'Bulkang Mayon'

Puerto Princesa Underground River

"Puerto Princesa Underground River"
                (P.P.U.R.)
Ang Puerto Princesa Underground River ay matatagpuan halos sa 50 km sa hilaga  ng puerto prinsesa, palawan sa pilipinas.
Maganda ang Puerto Princesa Underground River dahil marami kang makikitang mga hayop dito katulad na lang ng unggoy, malalaking lizards o sa ingles ay "Large Monitor Lizard" at Squirrels sa kanilang mga niche sa beach malapit sa kuweba..
Mayroong ibang turista ang pumupunta sa Puerto Prinsesa Underground River dahil, sila ay nagagandahan sa mga nasa loob ng kuweba ..

                        Kaya Pumunta na Kayo at sumama
                                    upang matuklasan 
                            Kung anu pa ang nasa loob ng 
                                         Kuweba.