PAARALAN
Silid na may apat na mga sulok
Kayraming mga taong pumapasok
Walang araw na walang pagsubok
Walang estudyanteng di antok
Lugar kung saan ako ay natuto
Minatyagang mabuti nang mga guro
Lubos-lubusan akong nahirapan
Ngunit lubos din ang aking natutunan
Ito ang aking paaralan
Kay dami ko ditong nalaman
Samu’t saring mga kaganapan
Punong-puno ng kasiyahan
Dito’y nakita anyo ng mundo
Ako ay hinubog mo nang husto
Patawad sa mga kasalanan ko
Nais kong magpasalamat sayo
Nais kong magpasalama’t sa lahat lahat
Natutunang gawin mga bagay na mabibigat
Nakapagsimulang tumayo ng mag-isa
Nalaman na ako ay hindi nag-iisa
Marami-rami akong nakasalamuha
Nagkaroon ng iba’t ibang alaala
Maraming salamat mahal kong paaralan
Nagmumula kay: Althea Therese R
adovan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento