PAMILYA
Pamilya nagdadamaya’t nagtutulungan
panghabang buhay ka nilang hindi iiwan
pag-ibig ay madarama ng bawat isa
pagmamahal ay nandirito nagmumula
Away ay madaling nabibigyang patawad
kabutihan nang bawat isa ang siyang hangad
araw-araw masasayang magkakasama
ang bawat isa ay totoong mahalaga
May ama na siyang kumakayod araw-araw
may ina na sa lahat ay nagsilbing ilaw
mga magulang ang tinatawag sa kanila
mga bata’y sila ang mga tinitingala
Iniintindi ang bawat pagkakamali
iaalay buong suporta sa kasapi
iaayos mga problema ng bawat isa
walang iwanan hanggang sa magpakailan pa
Lokohang walang katumbas ang kagalakan
lambingang di mapapantayan nang sinuman
lumipas man ang panahon pagmamahala’y
di kailanman magkakaroon ng kapantay
Yakap ng bawat isa ay laging madarama
kahit saan pa man sa mundo sila mapunta
yaong pagmamahalan ay di mapapalitan
mga turo ng ama’t ina’y laging dala-dala
Ang pagmamahalan at pagsusuporta’y iba
aasahan sa bawat pagdating nang problema
aanhin ko pa nga ba ang mga kayamanan
kung ang aking pamilya ay laging nandidiyan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento